Ang Talambuhay ni Alyssa R. Dioyo
“Ang batang may pangarap sa buhay”
![]() |
Isang buwan pa lamang ako dito |
Kami ay nakatira sa Brgy. San Benito Alaminos, Laguna. Masasabi kong payak ang aming pamumuhay. Ang trabaho nang aking ama ay isang jeepney driver. At ang aking ina noon ay isang may bahay lamang. Sa parte naman nang aking kabataan ay masasabi kong makulay at masaya. Marami akong mga kaibigan at nakakalaro noon. At kapag bakasyon naman, kaming magkakapatid ay sa Bulacnin, Lipa City, kung saan doon naninirahan ang aming lolo at lola. Sa buong buwan naman nang Abril, kami ay pumupunta sa Balete, Batangas sa bahay nang ina ng aking lola at kami ay naliligo sa tabing dagat at kung minsan ay namamangka. At sa buwan naman ng Mayo ang aking kapatid na panganay ay sumasali sa Santa Cruzan.
![]() |
5 months and 10days ako |
![]() |
Isang taon na ako dito |
![]() |
4 na taon na ako |
Ngayon ako ay nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at parang ganoon pa rin naman ang buhay. At ngayon nga ay nasa ikaapat na antas ako nang aking pag-aaral sa hayskul, ay isa na naming kabanata nang aking buhay. Hindi pa nga natatapos at nagbubukas na naman ang isang kabanata na higit na nangangailangan nang lakas nang loob at higit na tiwala sa sarili. Dahil sa yugtong ito, Ito ang magtuturo sa akin ng aking isang magandang kinabukasan kung saan ko higit na kailangan ang pagmamahal at kalinga ng aking pamilya upang higit akong magtagumpay sa anumang pagsubok na kakaharapin ko sa buhay. At sa layunin kong makapagtapos nang pag-aaral sa kolehiyo at upang higit sa lahat ay matulungan ko ang aking pamilya hindi lamang sa pinansyal na pamamaraan ngunit higit sa lahat ay upang kami ay makasabay sa agos nang pag-unlad nang bawat isa, sa lahat nang Pilipino sa bansang Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ay iniisip ko na magtrabaho muna habang ako ay nag-aaral nang kolehiyo at kumuha muna nang dalawang taong kurso at mag-aral muli kapag nakaluwag na sa pera. Iniisip ko rin ang kapakanan nang aking ama dahil may sakit ito at ayoko nang umasa pa sa pagbibigay nang baon sa akin. Dahil nasa tamang gulang na ako, alam ko na ang tama at mali. Sa buhay ngayon ay kailangan ko nang maging praktikal. Ayoko nang makadagdag sa problema nang aking pamilya bagkos ay nais kong makatulong.
![]() |
Ngayong malaki na ako |
Isang Alyssa Dioyo na naman ang magpapatunay na kayang makamit ang kagustuhan at mithiin sa buhay bunga nang sariling pagsisikap na matuto at pagiging masipag at isang ulirang anak. Isang Alyssa na balang araw ay ipagmamalaki nang kanyang pamilya. Nais kong maging isang idolo nang mas nakakabata sa akin. Tularan ang aking magagandang ala-ala at baunin ang mga payo nang kanilang mga magulang.
Isang makulay na buhay ang naihayag ko sa inyo, Nawa ay maging matagumpay ako sa aking mga pangarap na inaalay ko sa aking pamilya at lalong higit sa. . .aking INA.
No comments:
Post a Comment