Ako ay isa lamang sa mga bunga ng kanilang pagmamahalan bilang sina Mister at Misis Malaluan. Apat na kaming magkakapatid ngayon, ako ang panganay, 15 taong gulang. Si Vincel ang sumunod, 13 taong gulang na kasalukuyang nasa ika-unang taon sa hayskul, si Glaiza na 11 taong gulang, nasa ika-limang baitang sa elementarya ata ang bunsong si Brylle, 5 taong gulang.
![]() |
5months ako dito |
![]() |
Isang taong gulang taon ako dito |
![]() |
Si nanay,Vincel,tatay at Ako |
![]() |
Ako at si Vincel |
Nakapasa ako noon kaya ako'y nagpatuloy sa ikalawang baitang. Doon ko nakilala si Paul Kerby, ang kasabwat ko sa pangungulit at panloloko sa ilan naming kaklase. Nagpanggap kaming magpinsan, pati nanay niya ay kinasabwat namin. May napasali pa sa aming grupo noon, si Gian,wala talaga kaming ginawa kundi mang-away. Ng lumipas ang isa pang taon, nabuwag na ang aming grupo pero hindi pa rin ako nakaiwas sa gulo ng minsang habulin ko ang kaklase kong si Rico.Nadapa siya at natusok ng istik, medyo malala kasi kailangan pa itong tahiin. Ng ako ay nasa ika-apat na baitang na, doon ko nakilala si Elah Joy Medalla na naging matalik kong kaibigan. May pagkakataon pa nga na isinama ko siya sa aming bahay upang mag-aral o kaya'y maglaro. Tuwing walang pasok dahil nga walang masyadong mapaglilibangan noon, ang hilig ko at ng aking mga kaibigang sina Mikee, Mariel, Erick at Arnold ay manguha ng alatiris. Kaya naman ng minsan ako ay umakyat sa puno nito, ayun nalaglag ako, swak sa kawayan, ang sakit! Kung hindi nangunguha ng alatiris, beng-sak, habulan, patintero at kung anu-ano pang larong lansangan ang sinasalihan ko. Kaya naman sermon ang abot ko sa aking ama kapag ako'y gabing-gabi na kung umuwi. Eh kasi naman ang sayang maglaro, yan na lang ang naisasagot ko, palo tuloy ang abot.
![]() |
picture ko nung Grade 4 |
Taong 2007 ng kami ay napilitang makitira sa aming mga lola dahil ang lupang pinagtitirikan ng aming bahay ayibinenta na. Ng taong ding ito ng ako ay makatapos sa elementarya. Nagtapos ako sa paaralang Sentral ng Lungsod ng San Pablo. Sabi nga nila ang magtatapos ay malapit sa disgrasya, kaya naman ng minsang hindi ako kumain dahil sa ako'y nagtitipid, gutom na gutom akong umuwi at agad-agad akong uminom ng malamig na tubig,ngayon ko lang nalaman na masama pala iyon kaya naman ako'y nahimatay,nahulog sa hagdan at naumpog sa semento. Hayun! tatlong tahi sa ulo ang inabot ko. Imbes na nakatipid, napagastos pa.
May kaba sa aking dibdib ng pasukin ko ang paaralan ng CLLDDMNHS o kilala bilang Dizon. Si Jerlyn Fernandez ang una kong nakapalagayang loob doon. Hanggang sa mapasali ako sa KIKAYS, pero parang hindi bagay sa akin ang pangalan ng grupong ito dahil aminado ako na medyo magaspang pa rin akong magkikilos ng mga panahong iyon. Napasali ako sa JERSAJ, kasama sina J-elyn, ako E-laine, R-eychelle, S-harmaine, A-njanette at J-azzy. Dito na nagsimulang gumulo at sumaya ang buhay hayskul ko. Nagkakasundo-sundo kami dahil mayroon kaming pare-parehas na ugali tulad ng pagiging kalog, luka at makulit. May oras para sa taasan ng palda, pagtalon sa grandstand, pag-ikot sa lawa nang paulit-ulit, paglalaro ng sipa at kung anu-ano pang kabaliwan. Siyempre may mga tampuhan pero nauuwi pa rin sa kulitan. Kahit parang walang kwenta ang mga ito, ito pa rin ang hindi ko makakalimutan sa pagiging hayskul.
Syempre may mga hinangaan din akong ng mga panahong iyon tulad nina ano, sina ano at kung sinu-sino pa. Kaya naman ng merong mga aktibidades tulad ng Science Camp lalung-lalo na ang JS ay hindi ko pinapalampas kasi baka yun na yung oras na mas makilala ko pa ang aking hinahangaan. At yun nga ang nangyari, walang nangyari.
Ngayon nga ay malapit na kaming magtapos ng hayskul, sana'y simula iyon ng mas maganda pang pangyayari sa buhay ko.
![]() |
Ako |
No comments:
Post a Comment